Mike Enriquez sinagot ang tanong tungkol sa ABS-CBN franchise, Tulfo-Bautista scandal

By Ervin Santiago June 14,2019
share this

Mike Enriquez sinagot ang tanong tungkol sa ABS-CBN franchise, Tulfo-Bautista scandal

By Ervin Santiago June 14,2019
share this

SINAGOT ng Kapuso broadcast journalist na si Mike Enriquez ang tanong tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng ABS-CBN kaugnay ng franchise renewal.

Ito’y matapos ngang mapabalita na hindi inupuan ng Kongreso ang House Bill 4349 na naglalayong mabigyan muli ng prangkisa ang Kapamilya Network sa susunod na 20 taon.

Ang next session ng 18th Congress ay magbubukas sa July 22, 2019 at sa March, 2020 naman mag-e-expire ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Ahh…no comment!” unang pahayag ni Mike sa nakaraang mediacon ng Dobol B sa News TV. “Hindi naman kami ang nagbibigay ng franchise, Kongreso!” dugtong pa niya.

Dito, tinawag ni Mike ang GMA 7 news reporter sa Congress na si Divine Reyes. “Nasaan si Divine? Eto yung reporter namin sa Congress, si Divine. Divine, ano ba nangyari? Inupuan yung franchise? Naka-operate tayo, e. Serious, update mo nga kami.”

Ito naman ang sabi ni Divine, “Kailangan pong i-refile kasi nagsara na po yung 17th Congress. So ire-refile siya sa 18th po.”

Singit naman ni Mike, “Yung Congress, hindi inaksiyunan yung franchise. That means kailangan i-refile yun. Yun ang sistema. Pero hindi ba, meron turo sa atin na huwag tayong magbunyi sa kamalasan o sa kasamaang-palad ng iba?”

Bukod dito, nahingan din ng reaksyon ang Kapuso broadcast journalist tungkol sa brand of journalism ng kapwa niya news anchor at commentator na si Erwin Tulfo.

Naging kontrobersyal kasi ang ginawang pang-iinsulto at pagmumura ni Erwin sa dating AFP general na si Rolando Bautista na ngayon ay kalihim na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tugon ni Mike, “Alam mo, bilang kapwa mamamahayag, di naman ako 100 percent sure, we might be transgressing into some ethical and political considerations.

“Kung plain listener lang kami at hindi kami kapwa taga-media, puwede ka namin sagutin. Pero kasama natin, kasama mo—kahit hindi kayo broadcast, kahit print—mga kasama natin ‘yan,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy pa ni Mike, “Hindi natin sinasabi na may sabit sila o wala silang sabit. Ang masasabi lang natin, everybody has a say in court. Nasa sa kanila na iyon na sagutin yung mga paratang sa kanila, na may karapatan naman sila na marinig.

“Ngayon, yung mga—hindi lang si Sec. Bautista, kundi lahat ng tao—pribado man o gobyerno na di nakakaalam na dehado sila, so to speak, may karapatan din sila magreklamo at gumawa ng mga hakbang. So, kasama iyon sa demokrasya natin. Iginagalang natin yun,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending