Courtesy call ni Isko kay Erap hindi natuloy; magkabilang kampo nagsisihan | Bandera

Courtesy call ni Isko kay Erap hindi natuloy; magkabilang kampo nagsisihan

|June 14,2019
facebook
share this

Courtesy call ni Isko kay Erap hindi natuloy; magkabilang kampo nagsisihan

- June 14, 2019 - 05:22 PM

HINDI natuloy ang nakatakda sanang courtesy call ni incoming Manila Mayor Francisco Domagoso, na mas kilala bilang Isko Moreno, kay outgoing Manila Mayor Joseph Estrada matapos namang magturuan ang dalawang kampo na hiniling nila ang kanselasyon nito.

Isang staff mula sa opisina ni Estrada, na tumangging magpangalan ang nagsabi na hindi umano pwede si Moreno para sa pagpupulong. Sinabi ng empleyado na iniskedyul ang pagkikita sa Lunes, ganap na alas-2 ng hapon.

Itinanggi naman ng kampo ni Moreno ang impormasyon, sa pagsasabing si Estrada ang hindi makakasipot sa pagpupulong sa Manila City Hall.

Nanalo si Moreno sa nakaraaang halalan noong Mayo kung saan lamang siya ng mahigit 140,000 boto.

“In fact, he is in Intramuros right now as of writing. He can just walk towards City Hall,” sabi sa isang advisory na ipinalabas ng kampo ni Moreno sa media.

Idinagdag ng kampo ni Moreno na ang chief of staff pa ni Estrada na si Moreno, na si Alex Morales ang humiling para ipagpaliban sa Lunes ang pagkikita ng dalawang lider.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending