outbrain

Camille hirap na hirap sa pagbubuntis, ilang beses naospital dahil sa pagsusuka

By Bandera June 14,2019
share this

Camille hirap na hirap sa pagbubuntis, ilang beses naospital dahil sa pagsusuka

By Bandera June 14,2019 - 01:05 AM

CAMILLE PRATS

ILANG beses naospital ang Kapuso TV host-actress na si Camille Prats habang nasa first trimester ng kanyang pagbubuntis.

Kuwento ni Camille sa kanyang latest blog entry na may titulong “Pregnancy is a Bumpy Ride”, naging challenging ang mga unang linggo ng kanyang pagdadalang-tao. Siyam na buwan na ang ikatlong anak ni Camille sa kanyang sinapupunan at hands on talaga ang kanyang asawang si VJ sa pag-aalaga sa kanya.

“Pregnancy is indeed a wonderful journey, the miracle of growing a human being inside of you is undoubtedly one of God’s amazing gifts to women, but let’s face it, IT IS NOT EASY AND NOT AT ALL GLAMOROUS,” unang pahayag ni Camille sa kanyang blog.

Dugtong pa niya, “Morning sickness, for some, all day sickness, nausea, sleepiness, sore breasts, enhanced smell of everything especially garlic, perfume etc. This is the time when the things you used to do are slowly being taken away from you. You can no longer cook, eat, focus, work and do anything else.”

Ibinalita ng Kapuso actress na na-diagnose rin siya ng hyperemesis gravidarum, o ang tinatawag na excessive vomiting during the first trimester. Ito ang dahilan kaya siya ilang beses naospital dahil na rin sa dehydration.

Pero sa pagpasok ng second trimester ng kanyang pregnancy, “I was sleeping fine, eating more than fine (uh oh!) and was really doing great.”

At sa pagsapit naman ng last trimester, idinadain naman niya ang pagsakit ng kanyang likod kaya kung minsan daw ay talagang tinutulungan pa siya ni VJ na tumayo. Bukod dito, sinusunod din niya ang payo ng kanyang doktor para hindi siya masyadong mag-gain ng weight.

“I’ve been doing pregnancy yoga stretches to help release it and so far its really helping me. I struggle to get out of bed and would often need a little push or pull from VJ to help me stand,” aniya pa.

“It taught me to be selfless and think about my baby rather than how I look. To accept what happens and be joyful about it. Pregnancy feels like forever when in fact, I think 9 months is quite short to actually grow, mold and form a human being, but that’s the miracle of life.

“It taught me to love my flaws– growing, darkening areas of your body, stretch marks, break outs and everything else,” mensahe pa ni Camille sa kanyang fans.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending