Toni kay Direk Paul: I will always love you

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

SIGURO naman ay matitigil na ngayon ang tsismis na “on the rocks” ang pagsasama nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Maraming pinakilig ang TV host-actress nang mag-post siya ng kanyang anniversary message para kay Paul sa pamamagitan ng Instagram.

Ayon kay Toni, hindi madali ang magkaroon ng sariling pamilya, lalo na ang makaanak, pero dahil magkasama at magkatuwang sila ng kanyang asawa sa kanilang journey ay nagiging mas madali ito at makahulugan para sa kanilang pamilya.

Narito ang kabuuang mensahe ni Toni para sa wedding anniversary nila ni Direk Paul, “4 years ago today I married the man I’m spending the rest of my life with. The fact that you have stayed with me for 12 years now is a testament of how patient, understanding and loving you are as a person.

“Being an adult and a parent is never easy but it gets bearable because we are in this together. You have been an extraordinary partner, a great friend and a loving husband. I’m so grateful that Seve has a responsible father he can always look up to. Thank you for all that you are to me and our family.

“I can go through life knowing I always have someone I can rely on when we pass through rough waters. The best is yet to come @paulsoriano1017 and I believe we are just scratching the surface! Happy anniversary to the man of my dreams! I appreciate you, I honor you and I will always always love you,” aniya pa.

Kung matatandaan, may mga tsismis nitong nakaraang taon na dumaan sa matindig pagsubok ang mag-asawa at marami ang nagsasabi na baka raw sa hiwalayan din mauwi ang kanilang pagsasama. Pero pinatunayan nina Toni at Paul na fake news lang ito.

Ikinasal ang showbiz couple noong 2015 at biniyayaan ng isang anak, si Severiano Elliott o Seve na turning three years old na sa September.

Read more...