Angel ibinandera ang 31 kabataang iskolar

ANGEL LOCSIN

Tinupad ni Angel Locsin ang kanyang pangako na tutulong sa ilang kabataang kapuspalad bilang pagpapasalamat sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.

Isa na rin itong selebrasyon para sa dalaga dahil umabot na sa five million ang followers niya sa Instagram at naka-11 million followers na rin siya sa Twitter.

Nag-post si Angel ng litrato sa kanyang IG kung saan makikita ang kanyang mga scholars.

“As promised when we reached 5M on IG, I would like to share with you this simple celebration of helping 31 scholars through schooling,” aniya.

Dugtong pa ng aktres, “I believe that education is one of the best gifts we can share to others and that empowered individuals can help shape a bright future.”

“Thank you to all my 5.5M Instagram and 11M Twitter followers for being there since the beginning, through all the challenges and milestones,” aniya.

Read more...