Young actor balak sanang ligawan si malditang aktres, pero…

By Cristy Fermin June 13,2019
share this

Young actor balak sanang ligawan si malditang aktres, pero…

By Cristy Fermin June 13,2019
share this


TUNAY na “Viterba” (read: bitter) kung tawagin ng mga miron ang isang magandang female personality.

Marami kasi siyang pinoproblema sa buhay, hindi niya nakakayang hawakan ang kanyang emosyon, palagi siyang pa-victim.

Eksperto na siya sa pakikipagrelasyon, hinog na hinog na siya dapat sa paghawak ng kanyang emosyon, pero kahit matagal na silang hiwalay ng kanyang boyfriend ay marami pa rin siyang kiyaw-kiyaw.

Kuwento ng isang source, “Naku, kung sa mga interview niya, e, nakakaloka na siya, imadyinin n’yo kapag wala siya sa harap ng mga camera. Mas nakakaloka siya!

“May kamalditahan kasi si girl, matagal na siyang ganyan, kahit nu’ng child actress pa lang siya, e, marami nang nakakaalam ng tunay na ugali niya.

“Nakasimangot na nga siya, e, matalas pa ang dila niya, kaya palagi siyang naba-bash ng mga fans ng ex niya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Meron palang mga male stars na nagkakagusto sa female personality, pero hindi na lang nila itinutuloy ang panliligaw, dahil baka pati sila ay madamay pa sa kalokahan ng girl.

Patuloy ng aming source, “Nu’n pa siya type na type ni ____ (pangalan ng isang young actor), pero kinimkim na lang niya ang nararamdaman niya. Mahirap na raw kasi, dahil baka kapag naging sila at nagkahiwalay rin, e, kung anu-ano pa ang sabihin tungkol sa kanya ng malditang girl!

“Natakot ang bagets! Alam niya kasi ang istorya ng pakikipagrelasyon ng female personality, sinusubaybayan niya talaga, kasi nga, matagal na niyang type ang girlalu! Pero natakot siya, marami kasing sinasabi ang girl kapag hiwalay na sila ng guy, takot siyang mapabilang sa mga pipintasan lang ng babae!” madiing sabi pa ng source.

Sayang, maganda pa naman siya at siguradong marami pang magkakagusto sa kanya, pero dahil sa mga kuwento ng pakikipagrelasyon niya ay marami talagang uurong sa panliligaw sa kanya.

“Hindi bagay sa kanya ang name niya, di ba? Maldita kasi siya, simangutera, samantalang ang name niya, e anghel dapat ang ibig sabihin,” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang clue, ‘yun na ‘yun! Siya na nga ‘yun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending