BINALAAN ng OPM icon na si Ely Buendia ang madlang pipol sa pekeng Eraserheads reunion concert na kumakalat ngayon sa social media.
Ayon kay Ely, isa itong scam dahil wala namang nakatakdang reunion concert ang Eraserheads sa kahit anong venue ngayong taon.
Aniya pa, nabalitaan niya na ang VIP tickets daw sa pekeng reunion concert ay nagkakahalaga ng P75,000.
“I heard there’s a scam going around for an eheads reunion concert promising vip tickets for 75k. Have you been victimized?” ang unang tweet ng OPM singer.
“For the record, I am not aware of any reunions happening this year or any time in the future,” ang warning ni Ely sa publiko na kanyang ipinost sa Twitter.
Kasabay nito, nag-react din ang dating frontman ng Eraserheads sa akusasyon ng ilang netizens na siya ang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang muling pagpe-perform ng grupo on stage.
“It’s not like I’m the only one deciding these things. I’m just another cog in the machinery,” depensa ni Ely.
Dugtong pa niya, “Don’t get why when it’s something negative about the band, the blame falls on me, but if it’s something positive, oh, it’s a group effort.
“Anyway I was just trying to warn the general public. Peace!” ang mensahe pa ni Ely sa lahat ng supporters ng Eraserheads.
Ito na ang pangalawang beses na nabalitang magsasama-sama muli ang members ng grupong Eraserheads.
Ang una ay nang lumabas na chika na muling magpe-perform ang EHeads sa nakaraang UAAP men’s basketball finals.