KARUGTONG ito ng aming kolum nitong Lunes tungkol sa karanasan ng 40-kataong kabarangay namin sa Pasay City who trooped to Wowowin noong June 4 only to unload their grievances sa umano’y shabby treatment ng host nitong si Willie Revillame.
Just as the first batch of Pasay “delegates” was being scheduled for the taped episode (na umere kamakalawa) ay inihahanda na rin ang kasunod na grupo na mula pa rin sa Pasay.
While the first group came home empty-handed maliban sa apat na miyembro nito na nagwagi sa putukan ng lobo, the next batch had luck on its side.
Towards the end of the show ay nabigyan sila ng P10 thou which the team divided among its 26 members na umuwi mag-aalas-dos ng madaling araw from the taped episode.
Ang bale eksaktong halagang napunta sa bawat isa sa kanila, less their fare, ay P305 although marami naman sa kanila ay nabigyan ng orange-colored jacket. Na kapag isinuot ay garantisado ka nang ligtas sa kalsada dahil sa mala-early warning device nitong kulay.
Parehas lang din ang bitbit nilang kuwento nang makauwi na sa Pasay: palamura raw si Willie, which he does during commercial breaks. Halata rin daw nanginginig sa takot ang staff ni Willie, na sa konting pagkakamali lang daw ng mga ito’y tiyak na maba-bad trip ang host.
In fairness, kahit sino namang host won’t settle for mediocre or half-baked discharge of any staffer’s job. Perfection is always the dictum.
But this isn’t the catch.
Nang magsimula na kaming kuwentuhan ng pangalawang batch, nag-uunahan sila sa pagsasabing mababa raw ang tingin ni Willie sa mga taong kapos sa buhay. Nasaksihan nila ito nang tangan ni Willie ang grand prize money na P40 thou as to who’d emerge as winner in the “Hephep Hooray” segment.
“O,” sey raw ni Willie showing the money on his palm, “Namnamin n’yo.” Biro sa kung biro man ang tinurang ‘yon ng host, but it smacked of condescension.
Sino ba naman ang may ayaw ng pera, pero huwag na sanang i-rub in ni Willie ang pangangailangan ng tao sa pera as though pinagmumukha silang mga timawa.
May point. Never take advantage of a person’s weakness. Hindi naman ang programang Wowowin ang tanging kasagutan sa problemang pinansiyal nila.
Kumbaga sa sugat, it’s nowhere far from being a band-aid solution.