APAT na magkakasunod na lindol ang naramdaman sa Surigao del Norte kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang magnitude 4.5 lindol ala-1:42 ng umaga. Ang epicenter ng lindol ay 17 kilometro sa silangan ng bayan ng General Luna at may lalim itong 13 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity IV sa General Lupa at Dapa.
Alas-2:03 ng umaga naman naramdaman ang magnitude 4.1 lindol. Ang epicenter nito ay 22 kilometro sa silangan ng General Luna at may lalim na 14 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa General Luna at Dapa.
Nasundan ito ng alas-2:05 at may lakas na magnitude 2.4. Ang sentro nito ay limang kilometro sa kanluran ng General Luna.
Alas-2:16 ng umaga ay nasundan ito ng magnitude 2.6 at ang epicenter ay anim na kilometro sa silangan ng General Luna.