Pressure ni partner: Bumukod na tayo

DEAR Ateng Beth,

Ako po si Ian, 22 years old at nakatira po ako sa Binan, Laguna. May kinakasama po ako ngayon, two years na rin kaming nagsasama. Nakikitira lang po kami sa parents ko. Gusto naman po siya ng parents ko at kahit paano ay OK naman po sa kanila na doon muna kami tumira sa kanila.
Ang problema ko po ay kapag nag-aaway po kami ng partner ko, sinasabi niyang gusto na niyang umalis at bumukod na kami. Ang kaso po, ateng, wala naman pa akong masyadong ipon. Ano ba ang gagawin ko?
Ian ng Binan, Laguna

Magandang araw sa iyo Ian ng Binan, Laguna.
Kung dalawang taon na kayong nagsasama na parang mag-asawa, tama lang na mag-demand ang partner mo na umalis na kayo sa parents mo at bumukod na kayo.
Sa una, mahirap talaga ang bumukod at kadalasan ganyan ang katwiran— walang perang ipon o kapos. Pero sabi nga nila kapag gusto maraming paraan at kapag ayaw maraming dahilan. Ang nakikita ko sa iyo ngayon ay hangga’t meron kang idadahilan sa kanya para huwag umalis sa piling ng mga magulang mo ay gagawin mo.
Kung seryoso ang inyong relasyon, it’s best nga naman to be independent from your family and start your own.
Maaari namang pag-usapan n’yo ito at isipin ang plano ng gastos at iba pa. Para sa’kin, kung mahal mo siya, ibigay mo ang hinihingi n’ya dahil baka maging cause pa ito ng tensyon sa inyong relasyon.
Maybe kung hindi pa kaya, give her an assurance and deadline kung kailan so she can adjust her expectations. Wala namang tao ang gustong nakikitira lang so isipin mo rin ang sitwasyon n’ya at ninyo.
Again, if you’re serious with her and you can actually see her as a life partner, I suggest to keep your relationship a priority.

May suliranin ka ba tungkol sa pag-ibig, relasyon, pamilya o career, itanong na at may sey si Ateng diyan. I-text lang sa 09989558253.

Read more...