Gitgitan sa pagka-speaker

By Leifbilly Begas June 12,2019
share this

Gitgitan sa pagka-speaker

By Leifbilly Begas June 12,2019
share this

MALAKI-LAKING sapatos ang kailangang punan ng susunod na speaker. Maganda kasi ang naging performance ng Kamara de Representantes sa ilalim ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Isang taon lang umupo si Arroyo bilang speaker pero natapos ng Kamara ang marami sa priority legislative agenda ng Malacanang, maging ang pangakong Charter change ni Pangulong Duterte noong kampanya.
Matapos sabihin ni Duterte na hindi siya makikialam sa speakership race, at mukhang pinapabayaan nga nya kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung sino ang magiging speaker—ang tinitingnan ng mga kongresista kung sino sa mga kandidato ang may kakayanan na pamunuan ang Mababang Kapulungan.
Alam ng mga kongresista na kung magsasalita si Duterte o ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio tapos na ang boksing. Ang ingunguso nila ang magiging speaker.
Kung closeness sa First family ang pag-uusapan ang sinasabing nakalalamang ang second termer na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Si Velasco ay madalas kasama ni Mayor Sara noong kampanya ng Hugpong Ng Pagbabago.
Kaya lang may mga kongresista na duda kung kayang kontrolin ni Velasco ang mga kongresista na may tahid na sa larangan ng pulitika at sa Kamara.
Magpapa-under kaya ang mga tahiran kay Velasco na nasa dalawang termino pa lamang sa kongresista? (Dapat pangatlong termino na niya pero hindi niya nakaupo 15th Congress matapos manalo sa petition for disqualification).
Alam mo naman sa Kamara kapag mahina-hina ka ay lalapain ka ng mga kasama mo. Kailangan niyang mapasunod ang mga tahiran na ito para smooth sailing ang mga legislative agenda ng Palasyo.
At paano naman si Taguig congressman-elect Alan Peter Cayetano?
Di ba close din siya sa Pangulo? Siya ang running mate ni Duterte noong 2016 elections at itinalagang kalihim ng Department of Foreign Affairs. May alam sa kalakaran sa Kamara si Cayetano dahil tatlong termino siyang naging kongresista bago nanalong senador.
Pang-apat na termino naman sa susunod na Kongreso ni Leyte congressman-elect Martin Romualdez na sinasabing nakakuha na ng suporta ng mayorya ng 18th Congress. Kaya lang hindi daw siya ganun ka-close sa mga Duterte.
Ang tatlo ang sinasabing nangunguna sa speakership race. Kasama sila sa biyahe ng Pangulo sa Japan pero walang inendorso sa kanila.
Mahirap-hirap ang gagawing desisyon ng Pangulo kung sino sa tatlo ang kanyang ituturo. Isa ang kanyang pipiliin at dalawa ang sasama ang loob at masasaktan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending