Horoscope July 20, 2013 | Bandera

Horoscope July 20, 2013

Madam Sophia - July 20, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: May darating na malaking halaga ng salapi. Hindi dapat ubusin ang pera sa blow-out.  Ang birthday ay lumilipas din, pero ang pera ay mahalaga. Sa pag-ibig, muling kikiligin ang kasuyo sa muli nyong pagde-date. Mapalad ang 2, 16, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at apple green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) —  Habang  isinasagawa ang public service, kikita ka ng malaking halaga. Sa pakikipag-relasyon, laging tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, sa ganyang paraan, kusang darating isang masayang pag-ibig.  Mapalad ang 3, 12, 18, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria-Om.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Sa pinansiyal, gawing inspirasyon ang mga taong malapit sa iyong puso upang mas madaling yumaman. Sa pag-ibig regaluhan ang kasuyo ng isang bagay na bilog, kulay puti at hinihigop upang lumakas ang kanyang tuhod. Mapalad ang 3, 9, 27, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Om.” Green  at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Unahin ang obligasyon sa pamilya. Maglaan ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Sa pag-ibig, umiwas sa lipunan, ituon ang buo mong lakas sa pagmamahal sa iyong pamilya. Mapalad ang 4, 13, 28, 36 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tamal-Harayana-Om.”  Beige at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— ‘Wag magpadala sa mga pintas at paninira ng iba. Sa ganyang paraan, tatatag ang inyong relasyon. Kapag matatag ang pagmamahalan ninyo ng kasuyo, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang  darating. Mapalad ang 7, 17, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Green  at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Huwag paki-alaman ang ginagawa ng iba! Ang sarili mong mundo ang atupagin. Sa pinansiyal, sa sariling diskarte mas mabilis na lalago ang kayamanan. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit, maaari mo ring paligayahin ang sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 4, 8 19, 29, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Ketu-Ayin-Mandala-Om.” Gray at orange ang buenas
Virgo – (August 23 – September 22)—Lutasin agad ang problema bago lumala! Huwag ng hintayin pang lumaki  ang tubo ng Bombay at ng credit card magbayad na agad. Sa pag-ibig, batiin na ang kasuyong matampuhin upang uminit muli ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 27, 31, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Fegerra-Om.” Maroon at purple ang buenas
Libra – (September 23-October 23)—  Bago magpasarap unahin muna ang trabaho at responsabilidad.  Kapag natapos na ang lahat ng gawain, mas masarap ng makapagre-relaks. Sa pag-ibig isama ang kasuyo sa binabalak na pamamasyal. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—           Alisin ang pride! Panahon na upang humingi ng tulong sa iba. Isang kaibigang Virgo ang magaabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hingin ang ayuda ng minamahal, upang mas madaling malutas ang mga problema. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Yama-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Nangangailangan ka ng pansin at pagmamahal mula sa opposite sex. Kapag kasi may muling dumating wag ka ng pihikan, sunggab agad. Sa pinansyal, aanhin ang maraming salapi kung wala ka namang special someone? Mapalad ang 6, 9, 24, 29, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kahit na sobrang busy at hectic ang schedule gumawa ng paraan na laging makausap ang minamahal upang lalong tumibay ang relasyon. Sa pinansyal, wag hayaang sumama ang loob ng isang kaibigang Cancer ng dahil lang sa pera. Mapalad ang 4, 19, 21, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Kausapin ang taong nakasamaan ng loob, ipaliwanag sa kanya ng maayos ang iyong sitwasyon, upang hindi na lumala ang problema. Sa pag-ibig, mas magiging mapayapa ang isipan kung laging kasundo ang kasuyong Leo. Mapalad ang 1, 9, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane.” Lilac at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Tama ang ginagawa mo, ubusin ang oras sa pag-gawa ng mga bagay na pagkakaperahan, tangihan muna ang kasiyahan. Sa pag-ibig, ang ngiti ng kasuyo ay sapat ng magpapaligaya sa bawat araw. Mapalad ang 4, 16, 22, 34, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Purana-Om-Padma.” White at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending