NAGKAROON ng Eddie Garcia news overload nitong weekend dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya last Saturday sa taping ng ginagawang Kapuso series.
Nalito nga lang ang mga tao lalo na ang netizens dahil sa mga unang report na comatose ang 90-year-old actor.
Sa unang ulat kasi, base sa inilabas na official statement ng family ni Manoy Eddie, nagkaroon daw ng ito ng severe heart attack habang kinukunan ang maaksyong eksena niya sa upcoming series ng GMA na Rosang Agimat.
Hanggang sa may lumabas na ngang isang video sa social media na kuha raw sa taping ng serye kung saan makikita ang veteran actor na napatid sa cable wires na gamit sa set. Sinisiyasat na ito ng GMA Network at nangakong iimbestigahan agad ayon sa statement na inilabas ng istasyon.
At nitong nakaraang Linggo, naglabasan ang mga post sa social media na may hashtag na #RestInPeaceManoy (tawag kay Tito Eddie), na pinaniwalaan naman ng maraming tao.
Maging ang young actress na si Barbie Imperial ay nakuryente sa balita dahil nag-post ito ng pakikiramay sa pamilya ni Manoy. Nanghihinayang daw siya dahil pangarap din niyang makasama sa projects si Tito Eddie.
Sa medical bulletin na inilabas ng doctor sa Makati Medical Center na si Dr. Enrique Lagman, nagkaroon daw ng fractured neck ang veteran actor kaya in “deep sleep” pa rin ito.
Isa sa mga bumisita agad sa kanya sa ospital ay si Senator-elect Bong Go kasama sina Robin Padilla at Phillip Salvador na nag-alay din ng dasal para sa kaligtasan ng veteran actor-director.
Patuloy pa rin ang panalangin ng lahat lalo na ng mga taga-showbiz para sa mabilisang paggaling ni Tito Eddie, kabilang na riyan ang anak-anakan niyang si Megastar Sharon Cuneta.
“Please, everyone, my prayer warriors, pray with me for my Tito Eddie Garcia. He played my Daddy in my first movie and was my co-star in several others.
“He directed my 2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th movies, and a couple more, and a big part of all I have learned in terms of acting, work ethic, professionalism came from HIM. He is so precious to me.
“I consider myself very blessed to have been taught and handled by him, and feel bad that as he stopped directing soon after the last movie he directed with me in it, so many new stars have never and will never experience having Mr. Eddie Garcia as a director, mentor and teacher.
“He is someone I truly love and care for. Please help me pray for his full recovery. He has always been health-conscious and disciplined, and if we lose this living legend, it will be the end of an era in all of Showbusiness. Thank you so much,” dasal ni Mega.