NA-BAD TRIP si Aiko Melendez sa mga taong nagpakalat ng fake news na patay na raw si Eddie Garcia.
Super close ang aktres sa veteran actor-director at parang tunay na tatay na rin ang turing niya rito. Huli silang nakatrabaho sa award-winning movie na “Rainbow’s Sunset” ng Heaven’s Best Entertainment na naging entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.
Gumanap si Aiko sa nasabing pelikula bilang isa sa mga anak ni Manoy.
Nang mabasa niya sa Facebook ang post ng ilang netizen na may “RIP Eddie Garcia” ay uminit talaga ang kanyang ulo. Naka-confine pa rin ngayon sa ICU ng Makati Medical Center ang aktor at under observation ng kanyang mga doktor matapos mag-collapse sa taping ng Kapuso series na Rosang Agimat.
Narito ang mensahe ni Aiko, “Sana people will stop posting misleading news about tito Eddie Garcia. He is still fighting all his chances to live. The best way we can do is wait for the official statement from the family.
“I know how great of a man Tito Eddie is, and we are all eager to know his situation. I myself is just waiting. His last movie and the past movies we made together is something i will cherish for the rest of my life.
“Rainbow’s Sunset is something that will forever be etched in my heart. Not only did I worked with a good man but he treated me and the rest of the cast something special.
“So for now laban pa din Manoy! You are loved by many! You are prayed by many! One prayer is powerful. I believe in miracles!” pagtatapos ng award-winning actress.
Samantala, isa pang taga-showbiz na malapit din kay Manoy ang nagsabing tigilan na ang pagpo-post ng mga fake news tungkol sa nangyari sa veteran actor habang nasa taping ng bagong Kapuso series.
Ayon sa character actor na si Dindo Arroyo na kasama rin sa seryeng Rosang Agimat, marami raw nagmamarunong at nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media. Kinontra rin niya ang balitang napatid si Manoy sa isang kable habang kinunan ang kanyang maaksyong eksena.
Isang video kasi ang kumalat kung saan makikita ang eksena ng beteranong aktor na bigla na lang natumba habang tumatawid ng kalsada at nakikipaghabulan.
“Pls. stop making stories about Tito Eddie. Kami nandoon, mas maraming nagmamarunong?” post ni Dindo sa kanyang social media account.
Paulit-ulit din daw niyang pinanood ang video ng pagkakadapa ni Manoy at naniniwala siya na hindi ang kable ang dahilan ng pag-collapse nito, “This is the version of slowmotion!!! Hindi sumabit sa paa ang kable!!! Stop making up stories!!!
“Tito Eddie needs your prayers. GMA 7 is as Top po of the situations [sic]. Eddie Garcia is ok for now,” sabi pa ng character actor.