King, Queen of MMF Supercross 7

SA BANDANG huli, King of the 2019 MMF Supercross si Bornzkie Mangosong ng Yamaha Philippines na siya ring napiling ELROY o “Ernie Leongson Rider of The Year.” At kung may hari, ay may reyna.
Tinutukoy kung Supercross Queen (hindi na Princess) si Pia Gabriel ang pambato ng Nueva Ecija na nagwagi sa mainit na overall race ng mga kababaihan.
Karapat-dapat na makuha ni Mangosong ang karangalan matapos niyang ipakita ang kanyang husay sa pitong matatagumpay na serye na nilahukan ng pinakamahuhusay na rider mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Salamat sa pagpupunyagi ni Pastor Sam Tamayo at ng kanyang maybahay na si Faith, nalusutan ng Supercross ang pinakamatitinding pagsubok upang tapusin ang serye.
Hindi nawala ang kanilang pagtitiwala sa Poong Maykapal at dahil dito ay sinuklian sila ng mga biyaya at milagro upang tapusin ang serye na suportado ng Gencon, Shell Advance, Yamaha Motor Philippines, Dunlop, Rich Bian Taxi, Fox Head Philippines, Coffee Grounds, Mmf Academy, Vermosa, Armed Safe, NAMSSA, Games and Amusements Board, AB, Dans, Monster Energy, MySiP, Power Roof Construction at Best Taytay.
Ito ang sabi ni Sam: ‘‘Last year after the season I told my wife @faithzjoy we need a miracle and clear direction from the Lord if we are still to continue the MMF ministry… We’ve gone through a lot of tough times during the time. Felt like an uphill battle in our quest to glorify the Lord through the sport. Then the Lord sent @osotto and @khsotto family to affirm to us HE STILL HAS A WONDERFUL PLAN FOR THE SPORT. SALAMAT LORD.
Hindi rin napigilan ni Faith ang magpasalamat sa Diyos. ‘‘Thank You Lord for making MMF Supercross 7, 2019 possible, and for a successful fun 7th leg. This series taught us a lot. May we continue to serve You and our country well,” sabi ni Faith na bagamat naaksidente noong nakaraang taon ay tuloy pa rin ang walang hanggang suporta kay Sam.
Ang maganda sa Supercross ay muling nabuksan ang pinto para sa mga batang rider na sa darating na panahon ay sila naman ang mamamayagpag sa larangan ng isport. Tiyak na buhay ang motocross.
Sabi nga ni Queen Pia: ‘‘Bittersweet feeling because the MMF Supercross Series 2019 has ended. First, I want to say Thank you Lord God for blessing each and everyone of us with this talent. I hope we make you happy Lord God by using our talent to make people also happy and entertained.
“Thank you to Pastor Sam Tamayo, Ate Faith Tamayo, Kuya Gino Cruz, Kuya Jhiriel Del Rosario, Kuya Jordan Escusa and to the whole family of MX Messiah Fairgrounds for not giving up with promoting the sport and for giving riders the opportunity.
“Me & My family has been racing for years in this racetrack. From “Toblerone” Jumps, to Supercross track. It’s amazing because we saw how they developed and improved.
“I can still remember the race, with DC Shoes discount cards as additional prizes to the winners. Now, I am sponsored by DC Shoes. It just feels awesome how time flies, but the support never ends. It just grows and improves.
“MMF gave us lots of opportunities, from media exposure, to brand exposure, awards, new friends, new lessons in life, and new experiences. Thank you so much MMF Family for everything. May God bless /us all everyday, every series.”
Tunay na palaging kasama sa tagumpay ng mga kalalakihan ang kanilang mga maybahay. Tulad ni Faith ay todo-suporta si Shela Miole sa kanyang kabiyak na si Bornzkie. Si Shela ay isa ring mahusay na fotog. Ganito ang kanyang Facebook post: ‘‘Congrats once again king @rhowellmatias_iv ! Everything’s worth it! Pagod, puyat, ulan, putik, matinding init, alikabok, ma habang byahe, mga aberya, problema, gastos at lahat lahat na! Salamat nang marami sa Diyos sa pag gabay nya sa atin sa mahabang journey na ito. Di madali, mahirap.. pero nakakataba nang puso lalo pat sa tuwing kailangan natin Siya, Di nya tayo pinapabayaan. Just in time. Salamat din sa lahat nang prayers pra kay Bornok, sa mga pamilya namin, sa mga kaibigan, mga ka church mate namin, Sponsors at sa mga nagtitiwala. Blessed to have you guys! God bless you more! Maraming Salamat ?? #mmfsupercrosschampionship2019 #foxracingphilippines #foxracingph #yamaha #yamahaph #dcshoesph #thankyouLord #godbless #appreciationpost #overjoyed.”

Read more...