MAGSASAMA sana sa isang talkshow ng ABS-CBN sina Kris Aquino at Anthony Taberna pero hindi na ito natuloy.
Ayon sa Social Media Queen, hindi raw na-impress ang mga bossing ng Kapamilya Network sa pilot episode na ginawa nila kaya hindi na ito i-pinalabas.
Sa kanyang mahabang Facebook post, ikinuwento ni Kris kung bakit pinipili niya ngayong maging inactive muna sa social media matapos nga siyang sumailalim sa iba’t ibang medical tests sa Singapore.
Aniya, ang top priority niya ngayon ay ang magpalakas para maging healthy uli at makasama pa ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby ng marami pang taon.
Bukod nga dito, ibinahagi rin ni Kris sa kanyang fans and followers ang mga projects na dapat sana’y gagawin niya sa ABS-CBN tatlong taon na ang nakararaan. Narito ang ilang bahagi ng FB post ni Kris.
“P.S. This didn’t happen because we didn’t impress management; ABS-CBN had tried in the early months of 2016 to tape a pilot for Anthony Taberna and myself,” paunang mensahe ng TV host-actress with matching picture nila ni Tunying habang nasa taping ng Kris & Tunying.
“There’s no non-disclosure agreement so I’m posting this for the 1st time because I had seen it while organizing my iCloud pictures and videos.
“Our pilot wasn’t approved (I am owning not having asked for more off camera readings, bonding sessions, freewheeling discussions followed by camera rehearsals before the actual taping of the pilot which management viewed),” aniya pa.
Binalikan din niya ang panahon nang ayawan niya ang mga offer mula sa Korean production companies na posibleng maging daan para magkaroon siya ng career sa Korea.
“Nay Lolit Solis had reminded me of recently, when I asked for K-Drama recommendations, she said, ‘Tetay di mo ba naiisip yung mga Korean na produ na inisnab mo lang?’ (Slap me now because I finished Sky Castle in 3 nights and I’m enjoying Man to Man) she vividly recalled the 4 meetings Korean producers had with us between late 1993 to early 1994,” lahad ni Tetay.
Dugtong pa niya, “I wasn’t forward thinking enough to have trusted their vision and signed up for a long term contract with their company because I was ‘comfortable’ doing my massacre movies and I couldn’t see me entrusting the next 5 years of my life to them because they were offering a long term deal that would have brought me to Seoul which didn’t look that attractive mo-netarily but would have given me incentives,” she added.
Huling hirit niya sa talent manager, “Nay, huwag na natin ikwento kasi ngayon ang dating parang ang tanga ko?”