ALL praises ang mga bida ng pelikulang “Feelennial” na sina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani sa producer nila na si Concert Queen Pops Fernandez.
Kinakatawan ni Pops ang DSL Productions na isa sa producers ng “Feelennial” in partnership with Cignal Entertainment.
Alagang-alaga raw kasi sila ni Pops at talagang nakatutok sa produksyon ng pelikula. Dahil dito kaya kahit may offer daw kay Pops na maging hurado sa mga singing contest on TV ay ‘di niya matanggap.
Pero open naman daw siya sa mga ganitong project.
“Yes, of course. I actually just did one in CBS, ‘di ba, ‘World’s Best.’ That was judging like the best international talents talaga,” pahayag ni Pops nu’ng makausap namin sa presscon ng “Feelennial” na idinirek ni Retchie del Carmen at ipalalabas na on June 19.
Inamin ni Pops na may mga partners din siya sa DSL Productions bilang producer ng “Feelennial.” And we asked her kung isa ba sa kasosyo niya ang negosyanteng si Chavit Singson.
“No, no, no,” mabilis na sagot ni Pops. “Si Manong helped us with, he’s so bait to us. He helped us sa location. Kapag napanood ninyo ‘yung movie para kaming nasa Africa. So, that is care of Manong, and the of course, the City of Ilocos and the city of Sta. Rosa, Laguna. Nakatulong din sila sa amin. It really helped with the look and siyempre sa overlook ng pelikula.”
Natawa na lang si Pops sa muling pag-urirat sa tunay na relasyon niya sa da-ting politiko mula sa Norte, “Naku ang luma na niyan. It’s really unbelievable. Super friends kami talaga. Malisyosa lang talaga ‘yung iba.”
Marami ang nagwi-wish kay Pops na maging successful ang first movie venture niya. Hindi naman kasi lingid sa marami ang kalagayan ng local films ngayon.
“Alam mo kanya-kanyang timing lang. Wala na rin akong choice. Ha-hahaha. Wala ng choice kasi naumpisahan na siya at na-tapos na. So, talagang, this is with a lot of prayers.
“But also with a lot of confidence that we do have a great project. Depende na lang ho sa inyo, siyempre kapag napanood ninyo, kung ano ang masasabi ninyo,” lahad pa ni Pops.
Nag-share naman si Pipay ng encouraging words para sa iba pa na nagbabalak mag-prodyus din ng pelikula.
“Well, ang masasabi ko lang sana, more than the encouragement to produce, I think definitely, we have to support our own. Hindi lang movies, kundi pati concerts, shows, your fellow artists,” sabi ni Pops.
Dagdag pa niya, “Alam n’yo ba na ang dami-daming mga singers all over the world and they are doing so well out of the Philippines, alam mo ‘yun? At kasi napakagaling naman talaga ng mga Pilipino.
Mapa-proud naman talaga kayo.
“‘Yung minsan dadaan ka sa lobby ng hotel biglang, ‘Mukhang Pilipino ‘yun ah.’ And true enough Pilipino siya. The reception of the, kumbaga, ‘yun sa audience, they are received, manghang-mangha sila sa mga Pilipino. So, sana, we ourselves give ourselves enough confidence to support each other kasi magaling talaga tayo,” paliwanag ni Pops.
Samantala, inamin ni Pops na wala siyang lovelife for the longest time. At tila nasanay na raw siya na walang partner in life dahil sa tagal. At na-realize niya na ganu’n pala ‘yun, hindi mo hahanapin ang isang bagay na matagal ng ‘di mo nae-experience.
“Basta ako ngayon, hindi ako naghahanap. Naghihintay lang ako kung may dumating,” dagdag pa niya.
Ganern.