True ba, Willie ininsulto ang mga taga-Pasay na nanood ng Wowowin?


DISMAYADO ang may 40 ka-barangay namin sa Pasay City na first time makatapak sa studio ng Wowowin sa GMA nitong June 4, Martes.

Like any group which comes in throngs sa naturang programa, umasa ang mga residenteng ito na kahit paano’y hindi sila uuwing luhaan, masulit man lang ang paggayak nila ng alas diyes ng umaga gayong alas singko pa naman ng hapon ang simula nito.

Ang nasabing grupo, four members of which ay masu-werteng nakapaglaro sa putukan ng lobo. The four-member team came home with P10,000 na siyempre’y hindi na nila biniyak-biyak among 36 other members sa pag-asang towards the end of the show ay may ipinamimigay na tigsasampung libong piso si Willie Revillame.

Pero ayon sa aming kababatang kapitbahay, hindi ‘yun ang nangyari. Delegates from Pasay City were deliberately edged out sa bigayan ng P10 puk. Bale ba, dinig na dinig daw nilang lahat ang off-mic na sinabi ni Willie na, “Naku, mga taga-Pasay lang ‘yan, mga nasa gilid-gilid lang!”

Nganga na’y nainsulto pa ang feeling ng aming mga taga-barangay sa pangla-lang-lang ni Willie sa kanila who they thought ay may malasakit pa naman daw para sa mahihirap.

If true, this doesn’t speak well of a host who professes to be pro-poor. Du’n na-realize ng 40-member group from Pasay na matapobre pala ang kunwari’y makamahirap.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Willie, baka nga may maganda at acceptable explanation siya about it.

Read more...