Kalat na: police escort ng Tulfo brothers binabayaran ng P40K kada buwan

ANG sama naman ng pasok ng Hunyo, and the first working day (June 3) at that, para sa mga Tulfo brothers.

Sa basbas na rin ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ay tinanggalan ng walong police escorts ang magkakapatid citing the importance of “good morals” kung paano ang pagpa-file ng firearm application also has this requirement.

Isa raw sa mga dahilan ng pagkaka-recall sa kanilang police escorts ay ang inasal ni Erwin laban kay DSWD Sec. Rolando Bautista who he earlier called “buang,” worse, threatened him na ingungudngod niya ang mukha nito sa inidoro (this was our item here in Bandera’s June 6 issue).

Lumalabas na nadamay tuloy ang iba pang Tulfo brothers dahil sa kagagawan ng isa nilang kapatid.

Collateral damage, what more appropriate descriptive phrase could it be?

As a result, nabukelya tuloy ng madlang pipol ang sahod ng bawat police escort nila, to the tune of P40,000 a month times eight equals a whopping P320,000!

Ang balita pa, hindi naman daw (we repeat, daw) sa bulsa ng mga Tulfo brothers nanggagaling ang ipinasusuweldo sa walong pulis na ‘yon. Kung hindi, saan?

But this is beside the point. Blame it on Erwin’s highhan-dedness kung kaya’t tinanggalan silang magkakapatid ng police escorts. All along, we honestly thought na kaya ineeskortan sila ng mga ito ay dahil sa mga banta sa kanilang buhay for being hard-hitting, dauntless broadcast journalists.

It’s exactly a week since the Tulfo brothers are seen without their ubiquitous men in uniform. But for sure, life goes on.

Wake up call na rin ‘yon para kay Erwin who thinks high and mighty, believing he can bastardize the media profession.

Ang latest, napagtanto raw ni Erwin ang kanyang pag-uugali that he needs to change his style. Para sa amin, hindi estilo ang puwedeng itawag du’n.

Even veteran broadcast journalist Mike Enriquez’s pag-ubu-ubo on air isn’t style pero naging trademark na niya ‘yon. Erwin should better to tell a style or a force of habit from something which is unpleasant in nature.

Aber, how does one like Mr. Erwin Tulfo intend to change his execrable behavior when it seems it’s his second skin?

Read more...