Horoscope, June 10, 2019 | Bandera

Horoscope, June 10, 2019

Madam Sophia |June 10,2019
facebook
share this

Horoscope, June 10, 2019

Madam Sophia - June 10, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang maging lubos ang tagumpay at ligaya, moderasyon ang dapat. Maghinay-hinay sa lahat ng gawain. Sa pag-ibig, hindi ka dapat gumasta ng todo para lamang paligayahin ang kasuyo. Kusa siyang liligaya, basta lagi ka lang sa kanyang tabi. Sa pinansyal, tuloy-tuloy ang pasok at dating ng malaking halaga kahit na medyo maraming gastos sa panahon ngayong simula na ng klase. Mapalad ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Aum”. Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Sariling diskarte ang atupagin sa pagpapalago ng kayamanan. Hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami ka ng pera – ngayon pa lang mag-ipon ka na. Mapalad ang 4, 12, 21, 27, 30, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Hani-Om”. Gray at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Huwag bumili ng mga bagay na hindi kailangan. Ito ang tamang panahon upang magtipid. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami na kayong savings. Mapalad ang 8, 15, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Navy blue at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Ito ang pinakamasuwerte araw kung magsusuot ka ng kulay na white. Sa pinansyal, upang lumakas ang lumago ang kinikita, larawan ng diyos na si Mercury ang gawing simbolo sa itatayong negosyo. Sa pag-ibig, kulay na white ang magpapalakas ng iyong karisma. Mapalad ang 5, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Bukod sa white ang silver ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Maglaan ng salapi para sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Sa pag-ibig, umiwas sa lipunan, ituon ang buo panahon at ang walang pagmamaliw na pagmamahal sa iyong pamilya. Mapalad ang 2, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa tahimik na bahay dalanginan, mas lilinaw ang isipan kung paano makakaahon sa mga problema. Sa pag-ibig, kapag payapa ang puso at isip, isang maligayang relasyon ang kusang lalapit. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Violet at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa iyo. Ga-wing inspirasyon upang yumaman ang mga taong malapit sa puso mo. Nagtatampo ang kasuyo, uwian siya ng pagkaing malamig, madaling matunaw at matamis. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Green at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kung hindi mo susupilin ang sarili upang wag munang gumastos ng gumastos, paano ka yayaman? Minsan dapat mong i-sacrifice ang sariling kaligayahan, alang-alang sa iyong minamahal. Mapalad ang 5, 17, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Red at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Lutasin na agad ang problema. Wag ng hintaying lumaki ng lumaki ang tubo sa utang bago magbayad. Sa pag-ibig, batiin ang kasuyong matampuhin, upang uminit muli ang relasyon. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Panahon na upang humingi ng tulong sa iba. Isang kaibigang Aries ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hingin ang ayuda ng minamahal, upang mas madaling malutas ang mga problema. Mapalad ang 3, 21, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Pad-Me-Om.” Green at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Mag-ingat sa anomang bibigkasin, iwasang makasakit ng damdamin. Habang patuloy kang kinagigiliwan ng iba, tuloy-tuloy na lalago ang kinikita. Sa pag-ibig, itikom ang bibig damhin ang init ng minamahal. Mapalad ang 7, 12, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Dosya-Om” Gray at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung hindi ka na mahal ng isang tao, hayaan mo na siyang mawala. Oo ang mga taong nagpapahalaga lamang sa iyo ang dapat mong pahalagahan. Pero minsan, namamali ka, dahil hindi mo napapahalagahan ang mga taong sa iyo ay nagpapahalaga. Hindi pa huli ang lahat, dalawin sila at bigyan ng kahit na anong regalo kahit na walang okasyon at sabihin mong “Wala lang, na alala lang kitang regaluhan!” Mapalad ang 4, 9 19, 27, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Wag manghinawa na tumulong sa kapwa. Habang isinasagawa ang public service, kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, kusang darating ang true love. Mapalad ang 2, 11, 19, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Black and white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending