Wish ng fans: mapanood uli si Hashtag Ryle Santiago sa Showtime 

Haping-happy ang tinanghal na Best New Movie Actor sa 35th PMPC Star Awards for Movies (na mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN on June 16) na si Hashtag Ryle Santiago for his performance sa pelikulang “Bakwit Boys” ng T-Rex Entertainment.

Deserved naman kasi ni Ryle ang award. Napakaseryoso ni Ryle sa kanyang craft. For sure, his award will serve as a big inspiration para lalo pang magsipag sa kanyang showbiz career.

We heard busy si Ryle ngayon sa pagkanta at pag-compose ng mga awitin. E, di naman nakapagtataka dahil nasa dugo naman niya ang pagiging musikero. Kahit itanong pa ‘yan sa uncle niyang si Randy Santiago.

Siyempre, feeling proud naman ang mabait at napakagandang mommy ni Ryle na si Sherilyn Reyes. Nakikita niya kasi kung gaano ka-passion at dedicated si Ryle sa kanyang career.

And hopefully, mag-full blast na ang singing career ni Ryle at magkaroon na ulit siya ng acting projects, both on TV and film. Wish din ng fans ni Ryle na mapanood na ulit siya sa It’s Showtime dahil nami-miss na nila ang Best New Movie Actor ng PMPC.

Again, congrats Ryle!

Read more...