Winwyn, Michelle, Thia may libreng pa-make over sa ‘Glow Up’

Ngayong Linggo na mapapanood ang pinakabagong lifestyle show na Glow Up kung saan isang masuwerteng babae ang  makakatanggap ng bonggang makeover.

Ito’y sa tulong na rin ng mga style, beauty, and personality council members na sina Winwyn Marquez, Michelle Dee, at Thia Thomalla.

Bukod dito, marami pa raw dapat abangan ang Kapuso viewers sa latest lifestyle show ng GMA News TV kabilang na ang exciting tips on fashion, beauty, at health. Hindi lang daw panlabas na anyo ang asahang mapapabuti rito dahil may advice din on self-improvement ang mga council members.

Balita namin ay may special surprise guest pa nga na mapapanood sa unang episode! Simula June 9, 8 p.m. magpapaulan ng ganda ang Glow Up sa GMA News TV Channel 27.

Read more...