Dulce awang-awa sa nago-gong sa TNT, inaabutan ng pamasahe

Matagal na pala dapat naging punong-hurado ng Tawag Ng Tanghalan (sa It’s Showtime) ang magaling na singer na si Dulce pero siya mismo ang tumatanggi.

Matindi ang karapatan niyang maging punong-hurado, napakayaman na ng kanyang karanasan sa mundo ng musika, lalo na ang kanyang galing sa pagkanta na walang kakupas-kupas.

Kuwento ng aming kausap, “Pero si Dulce ang hindi pumapayag, ayaw niya, dahil hindi raw niya makakayang mang-gong. Alam daw kasi niya ang pakiramdam ng isang contestant, dati kasi siyang sumasali sa mga amateur contest sa Cebu.

“Kapag dyina-judge niya na nga ang mga nago-gong, e, parang naiiyak siya. Feel na feel niya ang emosyon ng hindi nagtagumpay na contestant.

“Alam n’yo ba na kapag may nago-gong sa TNT, e, hindi makapapayag si Dulce na hindi mabigyan ng kahit pamasahe man lang ‘yung na-gong na contestant?

“Meron siyang pinag-aabot ng tulong niya, awang-awa siya sa nago-gong, alam na alam niya na sa pag-uwi sa bayan nila ng kalahok, e, halos ayaw na niyang humarap sa ibang tao dahil sa pagkapahiya.

“Ganu’n kaganda ang puso ni Dulce, ibang klase siya,” humahangang komento ng aming source.

Kaya naman kapag kumakanta na si Dulce ay tumatawid sa audience ang mapuso niyang pagkanta, parang wala siyang kilala, microphone lang ang kaibigan niya,” kuwento uli ng aming source.

Napakagandang

puso.

Read more...