Bayani sa pagsama kay Duterte sa Japan: Wala pong masama

AI AI DELAS ALAS AT BAYANI AGBAYANI

Ipinaliwanag ni Bayani Agbayani sa presscon “Feelennial (Feeling Milleanial)” ang controversy ng statement niyang wala silang bayad sa pagsama sa Japan entourage ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging controversial ang issue dahil may isang starlet couple na nagsabing sila ang nagbayad ng kanilang plane ticket to Japan.

“Ang masasabi ko naman, hindi ko alam ang deal nila kaya hindi ako nagsasalita for them. At si Kuya Ipe (Phillip Salvador) at si Kuya Robin (Padilla) ay nag-perform,” say ni Bayani.

Eh, bakit sila ang napagdidiskitahan?

“Alam mo, noong panahon ni (Ferdinand) Marcos, maraming artista na hindi part ng government pero kasama ni Marcos sa iba’t ibang lugar sa mundo. Panahon pa yan ni Presidente Marcos, ni (Fidel) Ramos, baka nga pati si (Emilio) Aguinaldo ay nagdala rin ng artista.

“Alam mo ba na ang nagpapasaya sa giyera, sa mga sundalo ay artista.

“Kasi nga, sa social media ay hindi lahat magiging kakampi mo. Siyempre, may mga tao rin ang kabilang partido na puwedeng tumira sa ‘yo. Ang maganda lang niyan, i-handle mo nang tama, i-accept mo nang maayos at magsalita ka nang maayos,” paliwanag ng comedian.

Aminado si Bayani na wala siyang kahilig-hilig sa social media. Wala nga siyang Facebook at Twitter account. Ang kanyang social media ay Instagram lang na ang nagma-manage ay ang asawa niyang si Len.

“Actually, hindi ko siya hilig. Kaya ko lang siya nagustuhan ay dahil ang mga anak ko ay millennial. Wala akong Twitter at Facebook, only Instagram account. Ang asawa kong si Len ang nagha-handle ng IG account ko,” say pa niya.

Sa “Feelennial” ay sinabi ni Bayani na naiiba ang kanilang comedy ni Ai Ai delas Alas.

“It’s situational. Hindi kami nagpapatawa. Nakakatawa ‘yung sitwasyon. Wala ‘yung one-to-three punch, wala ‘yun. Wala kaming ilusyon na ‘magpatawa tayo dito’.

“Basta gumawa lang tayo ng magandang pelikula tapos matatawa ka kasi alam mo ang buhay ng mga Pilipino at matatawa ka, eh. ‘Yung maumpog ka nga lang ay matatawa ka na, eh. Kaya just watch and enjoy this movie,” he added.

“Feelenial” is directed by Rechie del Carmen from DSL Events & Production (na pag-aari ni Pops Fernandez) and Cignal Entertainment.

Read more...