LUMABAS sa social media kahapon ang apology ng isang online retailer sa mga Pinoy fans ng K-Pop group na Black Pink.
Ito’y kaugnay ng ginanap na Meet & Greet ng grupo sa Manila nitong nakaraang araw.
“We hear your feedback loud and clear, and we understand that the event fell short of the high standards that Shopee users and Blackpink fans expect,” bahagi ng statement.
Nagkaroon kasi ng promo ang online retailer at ‘yung Top 40 senders na nakilahok ay makakakuha supposedly ng autographs mula sa members ng Black Pink.
Kaso umalma ang ilang fans kaya naman sa Twitter nitong Huwebes ay kumalat ang hashtag na #ShopeeScam na talagang naging isa sa top trending topic.
Ayon sa claim ng ilang fans, na-inform sila ng Shopee na nanalo ng ticket para sa nasabing Meet & Greet pero binawi agad dahil nagkaroon daw ng error.
Bahagi pa ng official statement ng nasabing online retailer, “We are reaching out to all those affected by this issue, and we are also taking steps to ensure that such and incident does not occur again in the future.”
Naku, ang dami pa namang fans ng grupo sa bansa kabilang na riyan ang TV host-actress na si Anne Curtis, huh!
Sa totoo lang, kaugnay ng pagdating sa bansa ng K-Pop group, maging ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin, eh nakipagsagutan sa fan dahil sa isang post niya sa Instagram pero nang itsek namin yon kahapon ay waley na, huh!