GOOD day, Ateng Beth.
Sana ay maayos ang lagay ninyo. Salamat po at may ganitong column sa Bandera na pwede naming mahingan ng tulong pagdating sa usapin sa puso.
Ako po si Lea, 21 years old. May boyfriend po ako. Siya po ay Muslim at ako po ay Kristiyano.
Siya po ay may-asawa na, pero hiwalay at matagal na nila hindi mahal ang isa’t isa.
Ang sabi niya ay niloko raw siya ng babae simula nang siya ay mag-abroad.
Apat ang anak nila at malalaki na rin po.
Siyempre po, hindi po naiiwasan ang selos sa ganitong mga setup. Pero sa akin ay wala naman pong problema dahil alam ko naman kung saan ako lulugar.
Alam kong mahal niya rin ako.
Walang babae na pinangarap na maging kabit kahit kailan.
Ano po ba ang dapat kong gawin.
Dapat bang itigil ko na ito o ipaglaban ko ang pagmamahalan namin? Nalilito po kasi ako.
Nandito po ako ngayon sa kanila at dito nagtatrabaho.
Pero patago po ang relasyon namin.
Hi Lea, marami ang nasa parehas mong sitwasyon ngayon.
I don’t blame you kung bakit mo nararamdaman yan ngayon. True, walang babae na maging kabit na lang, or walang babae na gustong maging secret ang kanilang relasyon, walang gustong itinatago ang relasyon nila kung ito ay totoo.
Bata ka pa naman my dear. Why not see what’s out there? Sa akin kasi if he truly loves you wholeheartedly, dapat alam ng lahat.
Wala dapat issue at hindi ka dapat nagkakaroon ng doubts. Look inside you. What does your heart tell you?
Tungkol sa sinabi mo na Muslim siya, hindi rin ito malaking isyu, as long as you love each other faithfully, hindi magiging hadlang ang isyu ng relihiyon.
Pero bago pa yan, may mas mahalagang isyu pa rin ikaw na dapat pagtuunan ng pansin, yun nga kung handa ka ba na maging other woman na lang (although alam natin na pwedeng makapag-asawa hanggang apat ang mga Muslim na lalaki provided na kaya niyang suportahan ang mga ito) at patago lang ang maging relasyon ninyo forever. Payag ka ba don?
May nais ka bang isangguni kay Ateng Beth? I-text sa 09156414963