Huwag na kasing magpadala | Bandera

Huwag na kasing magpadala

Susan K |June 07,2019
facebook
share this

Huwag na kasing magpadala

Susan K - June 07, 2019 - 12:15 AM

PALAGI na lamang usapin ang pagmamaltrato sa ating mga kababayan lalo na sa bansang Kuwait.

Kung wala pa ring pagbabago at aasa pa ba tayo ng pagbabago mula sa mapang-abusong mga employer, na hindi naman kontrolado ng sinumang indibiduwal maging ng ating pamahalaan, bakit pa natin ipagpipilitan ang pagpapadala ng mga OFW doon na pawang mga kababaihan at kasambahay pa nga.

Mahirap baguhin ang personalidad. Mahirap baguhin ang masasamang ugali. Kinakailangan ang determinasyon ng isa na talagang gusto niyang magbago.

Ang ugaling pang-aapi at pakiramdam na superior sa kapwa, mahirap itong basta na lamang maalis kung wala namang planong magbago ang isang tao.

Lalo pa kung walang dahilan para sa kanila ang magbago.
Walang “motivation” ika nga.
Kaya bakit aasa tayo sa isang bagay na hindi naman natin kontrolado?

Hindi natin hawak ang ugali ng tao, lalo pa ang masamang mga pag-ugali.
Kaya mag pokus na lamang sana tayo sa kung ano ang kay nating gawin at kung ano ang kontrolado natin.

Ano nga ba iyon? Bakit nga ba hindi na lang nating tuluyang ipahinto ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait. Malaki bang kawalan ang Kuwait kung tuluyan nang hindi magpapadala ang Pilipinas sa bansang ito?

Isipin na lamang natin na isang malaking kawalan ito sa bansang Kuwait at hindi kawalan ng Pilipinas.
Malaking bentaha pa ngang maituturing ito kung titigilan na ang pagpapadala sa mga bansang problemado tulad nito.

Mas maraming mga bansa pa ang maghahangad na padalhan ng ating mga Pilipino sa halip na pinadadala sila sa bansang ang turing naman sa kanila ay isang kalaban.

Ang pisikal na pananakit ay hindi na katanggap-tanggap. Lalo pa ang pag patay sa ating mga kababayan.

Panahon na nga ng matatag at matapang na desisyon ngayon mula sa ating pamahalaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending