Singil ng Meralco bababa | Bandera

Singil ng Meralco bababa

Leifbilly Begas - June 06, 2019 - 03:21 PM

Meralco

MULING bababa ang singil ng Meralco ngayong buwan, ang ikalawang magkasunod na pagbaba.

Ayon sa Meralco bababa ang singil sa P10.0918 kada kiloWatt hour mula sa P10.2866 kada kWh noong Mayo.

Nangangahulugan na bababa ang babayaran ng kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan ng P39.

Bumaba ang generation charge sa P5.4158 kada kWh mula sa P5.55-8 kada kWh.

Ang pagbaba ng generation charge ay bunsod ng pagbaba sa presyuhan sa Wholesale Electricity Spot Market kahit na tumaas sa Independent Power Producers at Power Supply Agreements.

Bumaba ang singil ng WESM ng P0.3100/kWh sa kabila ng mataas na demand ng kuryente. Ang Meralco ay kumukuha ng siyam na porsyento ng isinusuplay nitong kuryente.

Tumaas naman ang presyo sa IPP ng P0.0556/kWh at PSA ng P0.0717/kWh dahil sa lumalakas na dolyar laban sa piso.

Bumaba rin ang transmission charge sa mga residential customers ng P0.0427/kWh gayundin ang Taxes and other charges ng P0.0171/kWh. Hindi naman gumalaw ang distribution charge na sinisingil ng Meralco.

Nagsimula na rin mag-suplay ng kuryente ang San Buenaventura power plant sa Mauban, Quezon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending