NIYANIG ng magnitude 5.4 lindol ang Sultan Kudarat kaninang umaga (Huwebes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:41 ng umaga. Ang epicenter nito ay 29 kilometro sa silangan ng Palimbang.
May lalim itong 476 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate.
Naramdaman ang Intensity I sa General Santos City.
Posibleng magkaroon ng aftershock ang lindol na ito, ayon sa Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending