Nene na may learning disability na-gang rape

GINAHASA at ginamitan pa umano ng droga ang isang 17-anyos na special education student bago pinakawalan ng tatlong kalalakihan sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng biktima ang mga suspek na sina Manuel Saylo, 19; Cesar Gabino, 30; at Danny Pelayo, 25.

Sa inisyal na ulat, sinabi ng Manila Police District na pumunta sa sari-sari store ang biktima kasama ang kanyang pinsan nang lapitan ni Saylo at sinabing “Balik kayo ha” sa Sabado.

Kinabukasan, sinabi ng nanay ng biktima na nawawala ang kanyang anak. Sa tulong ng mga opisyal ng Brgy. 43, natagpuan ang biktima.

Inamin ng biktima na nasa bahay siya ni Pelayo kung saan pinilit umano siyang gumamit ng shabu bago minolestiya.

Iniulat ng pamilya ng biktima ang insidente sa pulis, na naging dahilan ng pagkaaresto nina Saylo at Gabino sa Balimbing st., Brgy. 123, Zone 9.

Dinala sina Saylo and Gabino sa Raxabago police station at inireklamo ng rape.

Sinabi ni Cpl. Helen Ureta II, na pinaghahanap na rin si Pelayo.

Read more...