‘JOHN LLOYD wag mong isisi sa press ang mga problema nyo!’


ILANG araw na kaming nanggigigil sa mga parunggit nitong love pa naman naming si John lloyd Cruz na medyo sinisisi ang ilang members ng media kung bakit daw nagugulo ang relasyon nito kay Angelica Panganiban.

Marami raw kasing mga lumalabas na isyu on them na hindi naman totoo. Sana nag-cite na rin si John Lloyd ng mga sinasabi niyang hindi totoong issues sa kanila ni Angelica para naman mabigyan ng chance ang members ng press na pinatutungkulan niya to defend their stories, di ba? Which is which ba, Lloydie?

Yung nakita ka raw na nakipaghalikan sa isang young fashion designer sa isang event? Ang nababalitang pag-inom mo ng alak at susuray-suray? Alin sa mga isyu ang tinutukoy mo, kasi nagi-generalize ang press at hindi namin alam kung alin sa mga issues na ito ang tinutumbok mo?

Eto ngayon ang tanong ng ilang mga kasamahan namin: do you drink liquor? Kasi kung hindi ka umiinom at may nagsulat sa yong lasing ka raw – you have the right to punch back, di ba?

Pero kung umiinom ka at merong nabalita about it, that’s your risk para linawin how that drinking was. May mga nagsasabi kasing may times na sumusuray ka sa kalasingan – meron pa ngang balitang halos buhatin ka sa mesang pinag-inuman mo dahil halos hindi ka na diumano makatayo sa sobrang kalasingan.

Pero hindi na ito masyadong pini-play-up ng members of the media dahil love ka nila. Yung sa isyung may nakakita sa iyong kahalikan ang isang young fashion designer, totoo ba iyon? Do you know that girl?

Kung hindi totoo, bakit nu’ng pumutok ang balita ay hindi ka nagsalita at hinayaan mong mag-speculate ang mga tao? Kasi kung hindi totoo, common reaction ng subject ay agad lilinawin ang isyu at hindi pababayaang ma-blown out of proportion.

Kasi nga, public figure ka at hindi lang basta public figure – sikat ka, Lloydie! No one would ever argue about your enormous popularity kaya ang bawat kilos ninyong mga sikat ay talagang nasisilip.

That’s the prize you has to pay for being so popular. Kaya dapat talaga nag-iingat kayo sa mga kilos ninyo outside of your four-cornered bedrooms.

Pag maganda ang nagawa niyo ay nakakadagdag-pogi points naman din sa inyo, di ba? Pero pag medyo lihis sa norms ng society ang pinaggagawa ninyo, natural na you’d hit the headlines.

Kaya sana naman ay maging kind naman kayo sa writers, huwag namang parang ang tingin niyo sa amin ay kalaban palagi. Dapat nga ay magkakampi tayo sa negosyong ito eh, dahil kung hindi rin naman sa mga members of the media, you won’t get that much-needed mileage to make you earn those millions, di ba?

Kung ordinaryong tao ka lang diyan na pasuray-suray dahil sa kalasingan, for sure not much would really care. May iba nga riyan na namamatay na lang sa sobrang kalasingan pero ni hindi nga naibabalita kahit sa huling pahina ng isang tabloid. I hope you get our point.

Huwag ninyo naman kaming parunggitan – hindi man ako directly but the members of the media kasi nagtatrabaho lang naman kami. Sabi nga nila, walang usok kung walang apoy.

Kung dry ice lang pala ang nagdala ng usok na iyon, linawin agad para maayos ang maling balita. Kasi pag pinatagal ninyo, ang natural na iisipin ng mga tao, totoo ang ibinalita about you guys.

Marami ang na-turn off tuloy kay John Lloyd kasi nga parang inaaway na niya ang press. Go back history lane, Lloydie. Remember when you were just starting and truly struggling?

Remember yung kuwento mo noon when your dad’s construction business was really down at wala kayong kapera-pera? Kaya sabi mo noon, gusto mong sumikat at makaipon sa pag-aartista para matulungan mo ang pamilya mo?

Sino ang mga tumulong sa iyo para marating ang kinauupuan mo ngayon? Maliban sa Star Magic (Talent Center pa noon), sino? Di ba kasama rin ang members of the entertainment media?

Nakilala ka, dumami ang mga tagahanga mo sa tulong mga mga write-ups sa iyo and with that, pumatok sa takilya ang mga pelikula mo and they supported you sa mga TV shows mo. You were very grateful maaari sa puso mo noong papaakyat ka pa lang sa tagumpay pero did you make them feel so?

Magdiretsahan na tayo, John Lloyd. With so much blessings na natatanggap mo sa negosyong iyo, did you ever remember the members of the media sa kanilang mga special days? Birthdays? Pag nagkakasakit sila, tumutulong ka ba?

Pag namamatayan sila, nag-aabuloy ka ba? Maaari pero piling-pili lang siguro. Sa mga close lang sa iyo which hindi naman karamihan.

Maliliit na isyu lang ito, very personal though pero part iyan ng pakikisama sa negosyong ito. Hindi ito panunumbat, pagmumulat lang sa bawat isa sa inyo. Pasalamat kayo at merong Star Magic na tagasagot sa mga kalokahan ninyo dahil kung wala sila Mr. M (Johnny Manahan) and company, baka sa kangkungan din kayo pinulot lahat.

Hindi puro kabig Lloydie, you have to do some efforts to get closer to many of them. Diyos kong mahabagin, may mga nakakausap nga kaming mga members ng press na nagsa-sideline as promoters ng small out of town shows, wala pa akong narinig sa kanilang nagsabing nakuha ka nila for a show kasi nga, palaging dahilan ay hindi ka available or if not sobrang taas ng fee na sinisingil. Kaya no way na napapamahal ka sa kanila. Give and take lang sa mundong ito. Hay, how sad!

( photo credit to google )

Read more...