MARAMING nag-aalala para sa kalusugan ng isang pamosong babaeng personalidad.
Usung-uso sa mga artista ang pagda-diet, halos hindi na sila kumakain para lang pumayat, pero mukhang nasobrahan naman ang pagbagsak ng katawan ng isang female personality.
Kitang-kita na ang kanyang mga ugat, napakaliit ng kanyang mga braso, yayat na yayat din ang kanyang mga buto at laman.
Nagmamalasakit na kuwento ng isang source, “Nu’ng makita namin siya nang personal, e, naloka kami! Kung payat pala siyang tingnan sa TV, lalo na in person!
“Grabe ang kapayatan niya, parang wala nang laman ang katawan niya, puwede nang lagyan ng patis ang buto niya sa leeg nang hindi matatapon dahil sa sobrang lalim!
“Hindi ba siya natatakot na maging anorexic? Marami nang personalities dito sa atin at kahit sa ibang bansa na namamatay nang dahil sa anorexia nervosa!” madiing paalala ng aming impormante.
Lumalaki ang itsura ng mga artista kapag humaharap na sila sa mga camera. Payat na payat nang tingnan ang magandang female personality na ito sa telebisyon, kaya paano pa sa pesonal, di halos parang buto at balat na lang siya?
Patuloy ng aming source, “Matapang ang girl na ‘yun, hindi siya aamin na meron siyang pinagdadaanan, palagi namang very tough ang tingin sa kanya ng ibang tao, kayang-kaya niya ang lahat, ganu’n siya katapang!
“Isa lang ang naiisip ng mga nakakakita sa kanya ngayon sa tuyot na tuyot niyang itsura, hindi pa rin siya nakapagmu-move-on sa paghihiwalay nila ng isang male personality na napakatagal niyang nakarelasyon.
“Hindi ganu’n kadaling kalimutan ang mahabang panahon ng pinagsamahan nila, kasal na lang ang kulang sa relasyon nila, di ba?
“Kaya, santamaria naman! Magpataba naman sana siya nang konti! Hindi naman niya kailangang maging ganyan kapayat, halos kitang-kita na ang buto niya sa sobrang kawalan niya ng laman!
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!” pagtatapos ng aming source.