‘Beauty Inside’ star Lee Min Ki bibida uli sa ‘Everyone’s Lies’


MULING hahataw ang Korean heartthrob na si Lee Min Ki sa upcoming drama na Everyone’s Lies kasama ang aktres na si Lee Yoo Young.

Kwento ito ng isang babae kung saan naglaho ang kanyang asawa matapos mamatay ang kanyang ama.

Pumasok siya sa National Assembly at naki-team up sa isang detective para malaman ang katotohanan.

Gaganap si Min Ki bilang detective na si Jo Tae Sik, na tila walang pakiramdam pero ang totoo ay maalalahanin at matapang. Maiiba ang buhay ng karakter ni Min Ki matapos na magpalipat sa isang lalawigan.

Itatalaga si Jo Tae Sik sa kaso kaugnay ng car accident na kinasasangkutan ni Assemblyman Kim Seung Chul, ang tatay ni Kim Seo Hee (Lee Yoo Young).

Madidiskubre niya agad na hindi isang simpleng aksidente ang nangyari.

Gaganap si Yoo Young bilang pinakabatang anak ni Assemblyman Kim Seung Chul. Dahil paboritong anak, papasok ang karakter ni Yoo Young sa National Assembly para malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang ama at pagkawala ng kanyang mister.

Nakatakdang mapanood ang Everyone’s Lies sa second half ng 2019. Huling napanood si Min Ki sa blockbuster na The Beauty Inside noong 2018.

Read more...