FDA nagbabala sa 5 ‘substandard’ na brand ng suka

PINAYUHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na wag bumili o gumamit ng limang brand ng suka matapos madiskubre ang “substandard quality” ng mga ito.

Matapos ang isinagawang pagsusuri sa 39 brand ng suka sa merkado, sinabi ni FDA officer-in-charge Rolando Enrique Domingo na nakitaan ang limang brand na naglalaman ng synthetic acetic acid.

Kabilang sa mga tinukoy na brand ay ang mga sumusunod:

Surebuy Cane Vinegar (with best before date of March 26, 2021
Tentay Pinoy Style Vinegar (with best before date of March 18, 2021
Tentay Premium Vinegar (with batch number TV Sep0718 AC)
Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim (which expires on June 6, 2020)
Chef’s Flavor Vinegar (with batch number 8870401)

“The presence of synthetic acetic acid merely represents that the vinegar did not undergo fermentation — either through a slow process, quick process, or submerged culture process which is used for commercial vinegar production,” sabi ni Domingo.

Read more...