TATLONG Kapamilya stars ang nagbigyan ng chance na makarampa sa New York Fashion show nitong nakaraang weekend.
Nag-shine nang bonggang-bongga sina Kim Chiu, Bela Padilla at Sam Milby nang isa-isa na silang rumampa sa runway ng New York fashion show featuring Filipino designers.
Suot nina Kim at Sam ang creations ni Albert Andrada habang inirampa naman ni Bela ang gawa ni Cherry Veric.
“Had so much fun at the fashion show,” caption ni Kim sa ipinost niyang litrato sa Instagram. Aniya pa, “It was a pleasure to walk for Albert Andrada.”
Bukod dito, nakisaya rin sina Kim, Bela at Sam sa celebration ng 29th annual Philippine Parade sa Big Apple.
MOST READ
LATEST STORIES