Heart magpapatayo ng animal welfare facility sa Sorsogon

MAGPAPATAYO ng animal welfare facility ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa Sorsogon kung saan nahalal bilang governor ang asawang si Chiz Escudero.

Ayon kay Heart ito’y katuparan ng matagal na niyang pangarap, ang magkaroon ng sariling tahanan ang kanyang mga alagang hayop at ang mga nire-rescue nilang mga animal sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Nag-post si Heart ng isang litrato sa Instagram kung saan nakatayo siya sa isang bakanteng lote, dito raw niya ipatatayo ang dream niyang animal welfare facility.

“As you all know, I’ve always had a soft spot for animals and it’s a dream of mine to be able to do more to champion their welfare.

“This will be the site of one special endeavour that is near and dear to my heart— building a facility which provides services such as spaying, neutering, tagging and shots, and a community that welcomes animals and treats them with love,” caption ni Heart sa photo gamit ang mga hashtags na #Sorsogon #MahalKongSorsogon.

Halos 13 taon nang ambassador ang Kapuso actress ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at kilala rin siya sa kanyang advocacy na animal adoption. Napakarami na niyang inaalagaang aso ngayon kabilang na ang inampon niyang aspin nq si Panda, na laging bumibida sa kanyang Instagram page.

“You know not everybody will adopt so in my own way I also foster dogs. They stay in my house until I find them a home.
“So Pan-pan was one of them and then nakuha na siya pero nagkaroon ako ng feeling na hindi ko pala kayang ibigay so iniyakan ko pa si Chiz kasi ang dami na naming aso sa bahay. So binalik ng kumuha sa kanya si Pan-pan and then nabalik siya sa akin,” sey pa ni Heart sa pag-aampon ng aso.

Read more...