“A role has to be challenging, that I will doubt myself if I can actually play the role. That’s it. If it is a challenge.”
That was Jodi Sta. Maria’s explanation kung paano niya tinatanggap ang isang project like her latest movie “Clarita”.
“I don’t mind playing bida or contravida as long I am challenged, as long as I would learn and I would grow each and every time if I portray a role. I would welcome those types of roles,” she added.
Truth to tell, malaking challenge kay Jodi ang gumanap na bida sa first horror film niyang “Clarita”.
“Mahirap ang mga prosthetics ni Clarita. May ibang levels siya. Buong body ko ay covered ng prosthetics particularly ‘yung face ko hanggang neck ko. Before nila in-apply ‘yun, kailangan muna naming gawin ang face-casting. Claustrophobic ako so kailangan nilang takpan ng buong plaster ang face ko.
“Ang hole lang na meron is sa nose para makahinga ako. Nandoon sila direk, hawak nila ang kamay ko just to let me know na I am not alone, that they’re there kasi nai-stress na talaga ako,” she related.
“Pagdating naman sa shoot, hindi siya talaga madali. Umuuwi ako every shooting nang dugyot.
“Sinabit nila ako sa taas ng ceiling, hinarness nila ako nang pabaliktad. Hindi naging madali ‘yung proseso pero doon sa rushes na nakita namin, very rewarding,” dagdag pa niyang chika.
Showing na sa June 12 ang “Clarita” at makikita natin ang lahat ng hirap na dinanas ni Jodi para lang maging believable sa role niya bilang Clarita Villanueva na na-possess noong 1950s at naitala bilang kauna-unahang possession sa isang Pinay.