Sigaw ng JoshLia fans: Para kaming nabunutan ng tinik!

TILA  natuldukan na ang rumors that Julia Barretto and Joshua Garcia have parted ways.

In an Instagram photo posted by director Mikhail Red, makikitang magkasama sina Julia at Joshua habang kumakain. They were joined by Dimples Romana and Maris Racal.

Kitang-kita naman sa photo na masaya ang young couple kaya naman marami rin ang na-happy na fake news ang chikang naghiwalay na sila.

One website collated reactions of netizens sa photo nina Julia at Joshua.

“This made me smile. Lahat nakangiti kahit ganito lang.”

“Muli kong nakita ang JoshLia na magkasama na happy yung dalawa.”

“Thank you Direk! So happy to see how happy Julia is.”

“Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko kayong magkasama. Sana tuloy-tuloy na lagi ko kayong nakikita.”

“Lahat ng tampuhan may solution, pero hindi madali isuko ang pagmamahal sa hindi sapat na dahilan kaya tama na ang mga issue.”

Natsismis na naghiwalay na sina Julia at Joshua and the cause raw ay ang kissing scene ng una kay Gerald Anderson sa “Between Maybes.” Of course, hindi naman true ‘yun, ‘no!!!

Read more...