KINULANG umano ang dissolved oxygen sa bahagi ng Taal Lake sa Brgy. Buso-buso at Gulod sa Laurel at Brgy. Bañaga sa Agoncillo, Batangas na nagresulta sa fish kill noong Mayo 29.
Namatay ang mahigit 600 metriko tonelada ng tilapia na nagkakahalaga sa P43.13 milyon sa insidenteng ito.
Ang pinapayagang fish cages sa Taal lake ay 6,000 units at ang naapektuhan ng fish kill ay 121 units o dalawang porsyento.
Noong nakaraang linggo ay nagbigay ng advisory ang Calabarzon Regional Office upang bantayan ang kanilang mga alagang isda matapos na bumaba ang dissolved oxygen level sa lawa.
Nakadagdag din umano sa pagbaba ng oxygen level sa tubig ang overstocking o sobrang inaalagaang isda sa mga fish cages.
“The agency reiterates that the risk for fish kill can be reduced, if not totally prevented, if fish cage operators adhere to good aquaculture practices where proper stocking density and feeding are observed.”
Iginiit naman ng DA-BFAR na hindi dapat maapektuhan ng nangyaring fish kill ang presyo ng tilapia.