Catriona ipapasa na ang korona sa bagong Miss Universe-PH

BALIK-Pilipinas muna si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Umuwi siya pansamantala para um-attend sa Binibining Pilipinas 2019 Coronation Night.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Catriona ng isang litrato kung saan makikita ang magandang view mula sa sinasakyang eroplano na may caption na, “Home.”

May mga netizens naman na nag-post ng video nang pagdating ni Catriona sa bansa.

Last week, sa isang IG video ni Catriona, sinabi nitong excited na uli siyang makauwi sa Pilipinas para ipasa ang kanyang korona sa susunod na Pinay na magre-represent ng Pilipinas sa 2019 Miss Universe.

“I will be emotional because I will pass on my Miss Philippines title to the next Filipino who will represent us internationally,” ani Catriona.

Bukod sa pag-attend sa Binibining Pilipinas Coronation Night sa June 9, nakatakda ring magtungo ang dalaga sa mga charity events sa bansa.

Read more...