Gabbi, Thea may payo sa mga babaeng nagko-commute

GRABE pala talaga ang gagawing series of training ng mga bibida sa bagong serye ng GMA na may working title na Rosang Agimat.

Bukod sa pagbaril, hindi rin biro ang self-defense training na ginagawa nina Gabbi Garcia, Thea Tolentino, Gil Cuerva at Jeric Gonzales sa ilalim ng action at stunt director na si Val Iglesias.

Base sa mga video at photos na bumandera sa social media, kinakarir na ngayon ng mga Kapuso stars ang pag-aaral ng mixed martial arts with matching arnis training bilang paghahanda sa kanilang upcoming action series.

Ani Gabbi, handa siyang magpakapagod at magsakripisyo para sa ikagaganda ng kanilang serye, “It’s a bit hard and it’s a bit tiring pero the motivation is there.”

Dagdag pa ng dalaga, “Kasi the show has a really good story so of course you really want to deliver well.”

Sa kanilang pagsasanay, natutunan din ng mga bibida sa Rosang Agimat ang ilang practical self-defense tips sa stunt master.

Payo nina Gabbi at Thea sa mga kapwa nila babae, maging alisto lagi lalo na ‘yung mga nagko-commute. Sey ni Gabbi, “Ako, personally, I always bring my pepper spray wherever I go.

“So at least, di ba, isang spray lang. So that’s my go-to when it comes to self-defense,” aniya pa.
Hirit naman ni Thea, “As much as possible kung naka-backpack ka ilagay mo sa harap tapos ‘yung mga wallets ilagay mo sa pinakailalim.”

 

 

Read more...