Jaclyn kontra sa direktor na ayaw sa ‘no acting’ style


KINOKONTRA pala talaga ng award-winning actress na si Jaclyn Jose ang mga direktor kapag sinabihan siyang ibahin ang kanyang akting para sa isang partikular na role.

Sa panayam ng Inside The Cinema kay Jaclyn, kung ano ang napi-feel niyang akting para sa isang karakter ‘yun ang gagawin niya, base na rin sa ginagawa niyang pagre-research.

Kilala ang aktres sa kakaibang atake ng pag-arte, lalo na sa tinatawag na “no-acting” style. Ito ‘yung hindi OA o natural style ng acting.

“Siguro I really wanted it that way, para mas tagos. Kasi kung malikot at magalaw…gusto ko malalim siya,” ang pahayag ni Jaclyn.

Ayon pa sa 2016 Cannes Best Actress awardee, talagang tumututol siya sa direktor kapag gusto nitong baguhin ang kanyang pag-arte sa partikular na role.

“I will object, kasi I will do it as I feel like I wanted to do it. I’ve seen a lot. I watch TV, I watch news,” chika pa ng nanay ni Andi Eigenmann.

Nang balikan naman ng veteran actress ang pagtanggap niya ng Best Actress award sa Cannes Film Festival 2016 sa France para sa pelikula ni Brillante Mendoza na “Ma Rosa,” sinabi niyang ito na ang pinakamasayang araw sa buhay niya.

“It was nerve-wracking, and overwhelming and joy, pinaka masaya kong araw, na hindi ka na halos makapag-salita sa sobrang saya, kasama mo pa ang anak mo.

“Pumasok ako doon nang ang alam ko hindi ako mananalo, dahil puro idols ko lahat ng nandoon. Ito yung mga iniiyakan ko sa bahay na mga pelikula. Tapos, biglang ako?”

Read more...