PATAY ang isang turista, samantalang sugatan ang apat na iba pa matapos namang tamaan ng kidlat sa General Luna, Siargao Island noong Linggo.
Base sa imbestigasyon, nakaupo ang mga turista sa beach at nagsi-selfie nang biglang kumidlat.
“This group of tourists did not come to the island together or as a group, they were enjoying the beach, taking photos and selfies. Then the lightning struck, injuring five of them. Right away, they were rushed to the district hospital in the town of Dapa,” sabi ni Police Major Joel V. Liong, station chief of General Luna municipal police station.
Nasawi si Lee Christian Ragosta Zamora, na taga Tagbilaran City, Bohol habang ginagamot sa Dapa District Hospital.
Sinabi ni Liong na bahagi ang Naked Island sa three-island tour na dinadayo ng mga turista sa General Luna.
“Everyday tourists flock to the islands of Naked, Daku, and Guyam as part of the island-hopping package tour. It was just unfortunate that the lightning struck the island and most of those injured were wet after swimming,” sabi ni Liong.
Kinilala ng pulisya ang mga nasugatan na sina Elain Jhane Ragosta Zamora, 19, mula sa Tagbilaran City; Princess Figuracion Jayme, 23, Cebu City; Suzanne Simagol, 27, mula sa Paranaque, Metro Manila; at Grace Rodrequez Tolibas, 28, tour guide mula sa General Luna, Siargao Island.