11K pulis ipinakalat ng NCRPO sa pagbubukas ng klase

TINATAYANG 11,000 pulis ang pinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pagbubukas ng klase ngayong araw.

Sa isang text message, sinabi ni NCRPO director Maj. Gen. Guillermo Eleazar na mas malaki ito kumpara sa naunang plano na 7,153 pulis na idi-deploy.

Idinagdag ni Eleazar na wala namang namonitor na banta sa pagbubukas ng klase.

“This is a shared responsibility,” sabi ni Eleazar matapos ang isinagawang inspeksyon sa President Corazon Aquino Elementary School at Batasan Hills National High School in Quezon City, ang dalawang malalaking paaralan kung saan pinakamarami rin ang populasyon ng mga estudyante sa Metro Manila.

Samantala, nagpakalat naman ang Philippine National Police (PNP) ng 150,000 personnel at force multipliers sa iba’t ibang bahagi ng bansa para matiyak ang seguridad ng mga paaralan.

Read more...