NARITO ang ilang sintomas ng dengue fever na dapat mong bantayan:
Sa mga malumanay na kaso ng dengue ang mga karaniwang sintomas ay:
1. Biglaang mataas na lagnat na umaabot sa 41°C
2. Sakit ng ulo
3. Sakit sa mata
4. Sakit sa kasu-kasuan at kalamnan
5. Pagkakaroon ng pantal
6. Pagkahilo, pagsusuka at kawalan ng ganang kumain
7. Lagnat na tumatagal ng halos isang linggo at pabalik-balik
Matapos ang inisyal na lagnat, nagkakaroon ng mas maraming seryosong sintomas ang pasyente na senyales ng tinatawag na dengue hemorrhagic fever.
Kinabibilangan ito ng:
1. Senyales ng pagdurugo tulad ng namumulang patse na katulad ng mga pasa o kaya maliliit na pulang batik; pagdurugo sa ilong, bibig at gilagid; pagsusuka ng dugo at pagdudumi na sobrang maitim.
2. Matinding sakit sa tiyan.
3. Senyales ng pagkagimbal