NAKAKUHA ng sandaling break mula sa taping ng Dragon Lady ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.
Kasalukuyan siyang nagliliwaliw sa New York City at nagpapakaturista sa the Big Apple. Nagbabakasyon muna roon ang aktres para umattend ng kasal at graduation ng kaniyang mga kaibigan.
Ayon sa latest update niya sa Instagram, naikot na niya ang Brooklyn at nagpunta rin siya sa Metropolitan Museum of Art.
Samantala, hindi na talaga mabitawan ng manonood ang intense na mga eksena sa Dragon Lady.
Palaban at hindi na papayag magpaapi ang karakter ni Janine bilang Scarlet. Tinutukan talaga ang makapigil-hiningang confrontation scene sa pagitan nina Celestina/Scarlet (Janine) at Michael (Tom Rodriguez).
Matapos kasi ang trending revelation ni Celestina/Scarlet na umani na ng 1 million views sa YouTube, sinusubukan ngayon ni Michael na suyuin at humingi ng tawad sa dalaga.
Subalit mukhang sarado na ang isipan nito at sey pa niya nang buhusan ng alak si Michael, “Naisipan ko kasi kailangan kong patayin ang nag-aapoy mong feelings para sa akin.”
Tutukan kung tuluyan pa ring mananaig ang poot sa damdamin ni Scarlet o baka naman matutunan na niyang patawarin si Michael dahil ang totoo, mahal pa rin niya ito. Huwag nang bibitiw sa patuloy na umiinit na Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga