Resbak ng netizens kay Alex: Ang lakas mong mang-asar pero pikon ka naman!

NAG-POST si Alex Gonzaga ng photo niya kasama ang kanyang mother and father na kuha sa isang bakasyon nila noon.

May isang nagmahaderang basher ang nag-react and said, “Dami na time ni Daddy no @cathygonzaga#talo.”

Natalo kasi ang father ni Alex na tumakbong mayor sa kanilang lugar.

“Yes more time for our family, apo, business and to serve the Lord fulltime again. He has more time now but still not enough to comment on someone’s picture like you. #Sad life for you,” came Alex’s reply.

“Lel, uy na hurt ka ng bahagya no? #TaloParin,” sagot ng basher.

“Hindi at all natawa sayo kasi akala mo mahuhurt kami sa troll. Poorness,” maanghang na reply ni Alex.

Nag-react naman ang netizens sa isang popular website. Hindi nila pinalampas ang panglalait kay Alex.

“So natalo pala daddy nila. Hindi porket artista ang mga anak sure win na. Lalo na kung di naman ganun ka likeable ang mga junakis.”

“Ayaw pala ni Alex ng pabalang na sagot to think siya mahilig sa ganyan. Hahaha!”

“SOBRANG hurt na hurt sila no! Hahaha! I live in Taytay feeling nila sure win na yan. Ang hirap lapitan ng mga yan kala mo kung sino.”

“Si Alex yung friend mong malakas mang asar pero pag siya inasar napakapikon.”

“Ano bang akala nya sa sagot nya. Sus this girl.”

Nakakaloka itong si Alex, ha. Sa kanya ay okay lang pala kung magsalita siya against a mayor sa isang kampanya, pero kapag ang tatay na niya ang tinitira ay hindi na.

‘Yung sinabi mo nga against a candidate ay grabe, ‘yung basher tinawag lang na talo ang tatay mo sa eleksyon nanggagalaiti ka na sa galit. Paano na kung ‘yung sinabi mong “madugas” kaya ang ginamit sa tatay mo, eh, di nagwala ka na.

Iba ka rin, Alex. Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha?

Read more...