NAGBABALIK ang karakter ni Solenn Heussaff as Lianne sa hit GMA teleserye na Love You Two.
But there’s a catch: mala-version 2.0 daw ang aabangan ng mga viewers dahil mula sa prim and proper nitong pananamit ay may pagka-boho chic na ang masasaksihang Lianne na ex-fiance ng karakter ni Gabby Concepcion na si Jake.
Hindi lang daw makikigulo sa riot love triangle nina Raffy (Jennylyn Mercado), Sam (Shaira Diaz) at Jake ang dahilan kung bakit nagbabalik ang kanyang karakter, mayroon daw itong nakahandang pasabog na manggugulat sa mga Kapuso viewers.
“Sa lahat ng plot ng teleserye mas kakaiba ‘yung twist na ito and sa tingin ko magugulat ‘yung mga tao,” saad ni Solenn. Tutukan kung ano ang pasabog ni Solenn sa Love You Two gabi-gabi pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.