INAABANGAN ngayon kung magiging akma sa isang personalidad ang kasabihang “pera na naging bato” matapos namang bumalik sa kanya ang lahat ng kanyang ginagawang paninira sa isa ring mataas na opisyal ng gobyerno.
Bukod kasi sa kinuyog ang personalidad ng mga kabaro at maging ng kasama sa gobyerno ng opisyal na kanyang napagtripan, tiyak nang nakarating mismo kay Pangulong Duterte ang inasal ng kontrobersiyal na lalaki.
Nagulat ang marami matapos naman ang mapag-initan ng personalidad ang isang mataas na opisyal ng gobyerno na kilalang napakamalumanay at napakamadiplomasya.
Kumpara kasi sa personalidad na kilala ang kadaldalan, salamin naman ng pagiging mahinahon ang napagdiskitahang executive ng kontrobersiyal na male personality.
Gaya kasi ng iba pang kaliga ng opisyal, tahimik lamang itong magtrabaho at hindi sanay na ibinabandera sa publiko ang kanyang ginagawa.
Napagpabalingan kasi ng male personality ang opisyal matapos hindi mapaunlakan ang kanyang imbitasyon.
Gaya ng kanyang kapwa kaliga, hindi kasi sanay ang opisyal na sa mga imbitasyon.
Ang ending, imbes na palampasin, umiral ang mood ng male personalidad kayat pati ang malumanay na opisyal ay hindi nakaligtas sa kanyang mga antic at siniraan pa ang opisyal.
Dahil sa ginawa ng personalidad, kaliwa’t kanang batikos ang inabot niya, partikular sa netizens na nakakilala ng lubos sa personalidad.
Kinuyog din ang personalidad ng mga gusto niyang makatrabaho at pinagtawanan lamang ang kanyang mga hirit.
Nauna nang lumutang ang pangalan ng personalidad na posibleng maging kapalit ng isa pang exec na mag-iiba ng kanyang opisina.
Kilalang malakas ang loob ng opisyal dahil sa pinanghahawakang pabor na naibigay.
Ang tanong paano makakatrabaho ng male personality ang nasampulan na opisyal lalu na’t madalas silang magkikita sakaling magtagumpay sa posisyong inaabangan?
Alamin natin kung mananaig ang nais ng male personality.