Pinsan ng kidnap victim tinodas

PATAY ang pinsan ng negosyante, na dinukot sa isang four-star hotel dalawang buwan na ang nakararaan, matapos barilin sa Calamba City, Laguna.

Base sa police report, sakay si Alfredo Fajardo ng kanyang motorsiklo nang habulin ng riding-in-tandem at pagbabarilin sa national highway sa Brgy. Lecheria, Calamba City alas-2:40 ng hapon Huwebes.

Sa panayam, sinabi ni Calamba city police chief Lt. Col. Jack Malinao, pinsan si Alfredo ng negosyanteng si Allan Fajardo, na nawawala pa rin matapos dukutin ng 30 kalalakihan na naka-full battle gear noong Abril 3 sa Seda Hotel sa Nuvali.

Nakuhaan ng mga security camera ng hotel ang nangyaring pagdukot.

Idinagdag ni Malinao na galing si Alfredo sa sabungan sa lungsod para mangikil sa mga lokal na negosyante.
Nagtatrabaho si Alfredo sa kapatid ni Allan na si Marvin Fajardo, na umano’y sangkot sa pangingikil.

“In fact, there was a cash deposit slip named to Marvin and some cash recovered in the scene,” sabi ni Malinao.

Read more...